Saturday, December 27, 2008

oy ikaw. oo, ikaw!

marunong ka bang magsulat? ha? ha?

eh mag-drawing?

mahilig ka ba sa kodakan?

gusto mo ba ng sweldo?

malamang oo. kaya mag-apply ka na rin.


may bonus points ang gwapo. XD  joke.

Friday, December 19, 2008

family tree

of all the objects and metaphors in the world, why does a family have to be associated with a tree?

last night, i understood. that even if a branch withers and falls to the earth it came from, the other parts, though affected, must operate to sustain the tree.

Sunday, December 07, 2008

champagne supernova

ok, hindi ko pa rin alam kung anong ibig sabihin niyan hanggang ngayon. pero nung pinakinggan ko yan kanina kasi bigla kong naisipan na gumawa ng playlist na para sa mga lecheng lalake sa buhay ko (refer to the playlist at my homepage), bigla na lang akong naluha. don't ask why 'cause i also don't know the reason. but the funny thing is that instead of remembering (a) boy/s while listening to the song, i was reminded of my friends.

maybe reading my friends' posts made me think about the three months we have left with each other's company. i can hardly believe that it has been four years already. sometimes i still feel like that sixteen-year-old goth-wannabe. but i know i've learned a lot from a number of people whom i have shared what i know (dahil B.I. ako) and have, in turn, shared what they knew (and their vices). most notable among them are my DS friends.

now i know that i managed to survive and live with the fact that im a fool for love because i have friends who always cheer me up. yes, we love to diss each other but i know we care about each other (bawal bastos. nag-eemote ako eh) i can't picture myself working and not seeing them everyday after three months. perhaps that's why i don't like to be with them all the time. i don't want to get too attached because im an emotional and sentimental crab. i have felt this way with a guy and another but i never thought i would feel this for my friends.

i was closer to them than any of my other groups of friends. maybe it's because we understood one another. i mean, when you open up an idea such as love or living there would be someone in the group who would agree with you or share something enlightening or debate with you. or maybe we're all just bitches in a unique way. i actually don't know how they managed to put up with my own bitchiness. and yet the title of the queen bitch of the group remains unknown. eh sino nga ba? haha. magandang debate yan.

pero sayang lang talaga yung opportunity na uminom last saturday. mapapainom na sana namin ni tina si jaycee at joycee kaso ayun, sarado na ang dapitan gate. badtrip. oh well, next time sana bago gumraduate. :)

champagne supernova... hmm... ano nga kaya yun?

Tuesday, November 11, 2008

walang kwentang post

isang linggo nang may pasok pero bakit parang feeling ko bakasyon pa rin? siguro kasi hindi naman ako masyadong nagpapapasok pa. hahaha.

nakakatamad ang dalawang araw na magkasunod na walang pasok. parang ang dami kong gustong gawin na tinatamad pa 'kong gawin. tinatamad pa 'kong magbasa ng inter mirifica. tinatamad akong basahin 'yung bagong librong binili ko. tinatamad pa 'kong kumontak ng mga tao. tinatamad pa 'kong magsulat ng maikling kwento. tinatamad akong matulog. tinatamad akong magyosi. nakakatamad sa bahay. parang mas gusto ko sa school.

parang lahat na nagawa ko. nakainom na 'ko. nakapagdota na 'ko pagkatapos uminom at doon ko napagtanto na baka walang high school life si robin, halimaw eh. nakatulog na 'ko. nakakain na 'ko. nakapag-multiply na 'ko. nakapagdota na rin ako sa wakas sa bahay. pero alas dos pa lang ng hapon. anak ng tinapa, ambagal ng oras!

parang nami-miss ko na 'yung feeling ng hindi na halos ako magkanda-ugaga sa dami ng kailangang tapusin. parang masaya sigurong magtrabaho na. pero parang gusto ko pa ring mag-aral kahit nagtatrabaho na 'ko.

parang... adik lang ako.

Sunday, February 10, 2008

akalain mo...

ang bobo ko talaga sa math. nung kinompyut ko 'yung grade ko noong 1st sem, ang lumabas 1.77 something 'ata. sobrang badtrip kasi .02 na lang DL na 'ko. hindi pa 'ko umabot. pero i got over it agad 'cause i never cared about my grades anyway.

kahapon 'yung huling pasahan ng application form sa varsi. (at hindi ko pa malalaman 'yun kung hindi pa sinabi sa'kin ni jayce. ganun talaga ako, madalas lost, madalas walang paki) 'yun nga, inayos ko 'yung mga kailangan. resume, application form, photocopy ng reg. form at grades noong first sem. ok na. papasa ko na sana. kaso sabi ni raydon wala pa daw akong average ng grades noong 1st sem. buti na lang katabi ko siya. eh di nag-compute pa ko. 1.75 flat yung unang lumabas. shocker. nagkamali ata ako kasi kung ganoon pasok pa ata ako sa DL eh hindi nga ganun yung lumabas dati.

to the rescue na si jaycee kasi naghi-hysterical na 'ko. nung sya na ang nag-compute, ang lumabas naman 1.56. lalo akong nagulat. inulit-ulit namin, yun pa rin 'yung lumabas. in short, DL ako nang hindi ko alam. estoy muy tonta. hahaha. akalain mong tsumamba pa 'ko sa DL.

sa wakas, may mailalagay na rin ako 'pag nanghingi ng awards received ang mga publication na pag-aaplayan ko in the future. at natupad na rin ang pangarap ng nanay ko.

pero looking back, for more than three months i didn't have any idea and i never even bothered to double-check. kasi naman i have this mentality na... DL? what the hell. so long as i don't have a failing grade or a 3, i'm happy. of course, i'm happier now. but if after this sem, i didn't make it again (which i'm sure, i won't sa dami ng absences ko), ayos lang. sheesh, DL my ass. ang dadali naman talaga kasi ng subjects noong 1st sem. none of the general subjects that i so abhor. this sem is a different battle. you'll die because of pol dy and go tililing with luningning.

whatever, i just want to enjoy my college life without a failing mark. study a little, write a little, partee a little.

Wednesday, December 06, 2006

miso thoughts (ganito akong kagulo mag-isip)

bobo ba ako nay?

tatlong quizzes na ang binabagsak ko ngayong sem. bukas babagsak uli ako. hindi ko maintindihan, nagbabasa naman ako kahit kaunti. hindi na 'ko umiinom. hindi na 'ko sumasama sa mga rally. deretso uwi ako pagkatapos ng klase. nakaka-anim na oras na tulog na 'ko gabi-gabi. ba't ganon pa rin?

dalawa lang 'yan eh. it's either nuknukan ko na ng bobo o nuknukan ko na ng tamad.

ngayon mag-aaral ako ng cytology, ng DNA, RNA, mRNA at tRNA, ng glycolysis, cytosis, protein synthesis at kung ano-ano pang -sis. pustahan, bagsak ulit ako sa subject ng jollibee kong prof.
tangina. ang sarap sigurong magkaroon ng diyos sa mga ganitong pagkakataon. pwede kong sabihing, malamang ito ang plano ni god para sa akin. pero hindi pa rin eh, pantanga lang 'yung ganoong dahilan. konswelo de bobo, kung baga (tama ba spelling?). at kahit siguro naniniwala ako sa diyos hindi ko maiisip 'yon. pwede rin namang humingi ako ng tulong sa kanya, ng patnubay, ng lakas ng loob. oo, mas okey nga siguro 'yon. at least, nagkakaroon ka ng pag-asa at ng drive o motivation.

walangjo ang maging atheist. medyo parang ayoko na nga eh. hindi mo talaga mahahanapan ng kabuluhan ang buhay at hindi mo rin maiintindihan ang dahilan ng iyong pag-iral. pero sakaling maniwala naman ako ngayon, sino namang niloko ko? eh hindi na nga parte ng buhay ko ang diyos niyo. lalabas pa na masama ako dahil ginagamit ko lang siya.

teka, ba't nga pala napunta na naman sa diyos 'tong sinusulat ko? gusto ko lang naman magreklamo dahil nafi-feel kong ang bobo ko na. kasi ganoon talaga 'pag wala kang pinaniniwalaan. kahit mababaw na bagay 'pag hindi mo napagtagumpayan, iki-kwestiyon mo na agad ang pagkatao mo. kaya nga, sabi ni sir tobias, sa america at sa mga ibang mauunlad na bansa mas prone mag-suicide ang mga tao. kasi, big deal sa kanila ang tagumpay, ang kanilang career. 'pag nawala 'yon, feeling nila ang worthless na nila. hindi kagaya natin, sagad sa buto na nga sa kahirapan, hindi pa rin sumusukong mabuhay. bagkus, mas lalo pa tayong (o kayong) nagpupursigi sa buhay dahil naniniwala kayo, kaakibat ng matataimtim na dalangin, na may plano pang maganda para sa buhay niyo ang diyos. at hindi man kayo maging masagana sa mundong ibabaw, naniniwala kayo na mapupunta naman kayo sa langit. ang galing ng pinoy, di ba?

ako? ako na walang pananampalataya? ganito lang ang naglalaro sa isipan ko, "tangina. hindi pala ako marunong magsulat.", "tangina. bagsak na naman ako?! nasa baguio pa yata utak ko eh. nagha-hibernate.", "tangina. kung hindi na 'ko magaling magsulat, hindi na ko nage-excel sa acads at hindi ko na mapanindigan ang mga pinaniniwalaan ko eh san pa ko magaling? magreklamo? anong klaseng nilalang ako?! pucha, i'm worthless. i'm just wasting your precious oxygen. pampagulo sa earth."

at dahil natanong at naisip ko 'yang mga 'yan, naalala ko ang aming subject na philosophy of man. eto, out of the blue naisip ko:

"our study of existentialism and the phenomenological method contradicts the very essence of existentialism. i think."

bakit? eh kasi 'di ba existentialism states that existence precedes essence? (or is it the other way around?) eh why do we have to study the nature and philosophy of man kung mas mahalaga pala ang pag-iral mo kaysa sa pagbibigay depinisyon mo sa pagkatao mo? pero okey na rin, at least nakakaisip tayo ng mga hindi pangkaraniwang bagay habang nakadungaw sa bintana ng malamig na bus.

hinto muna. (ang weird, hindi 'yung word na hinto ang na-type ko. kundi hindot. hahahaha)

pero bago ko pag-aralan 'yang pesteng biology na 'yan. kudos muna kay judge benjamin pozon for convicting lance corporal daniel smith. may natitira pa rin palang credibility ang ating justice system. there is still hope for this country. ahem. tatay ata ng kaklase ko 'yon. hehe.

Friday, October 06, 2006

Pakyu Meralco (Brown Out NA NAMAN)

Nagkamali ba o sadyang mapanlinlang lang ang mga propeta?
Sa pagpapahayag ng muling pagbabalik ng "ilaw", ang messiah
Patikim lang pala sa taong uhaw
Ang sandaling liwanag na hatid ng kanilang pangako


(sinulat noong Martes habang nag-aalala sa isang tambak ng gawaing pampaaralan)

---sinulat noong sandaling nagkaroon ng kuryente tapos nawala ulit ng mga dalawang araw (ata)